Facebook IconTwitter IconYouTube IconInstagram Icon

Press Releases

8

May 2020

TASK FORCE T3, Suportado ng Ayala

Makati City, Philippines — May 8, 2020 Buo ang suporta ng Ayala Corporation sa TASK FORCE T3 (Test, Trace, Treat), ang ugnayan ng gobiyerno at pribadong sektor upang pabilisin at pataasin ang kapasidad ng ating healthcare system na iwaksi ang COVID-19.

Itinayo ng Ayala ang lahat ng testing booths sa apat na Mega Swabbing Centers na binibuksan ngayong linggo. Kasama dito ang Palacio de Maynila Tent sa Roxas Boulevard, Mall of Asia Arena sa Pasay City, Enderun Colleges sa Taguig City, at Philippine Arena sa Bulacan.

Layunin ng Mega Swabbing Centers na ma-swab ang 55,000 katao sa kalakhang Maynila sa susunod na tatlong linggo. Samantala, 125,000 katao ang na-swab sa buong bansa sa nakaraang tatlong buwan. Priority ng malaking swabbing operation na ito ang 25,000 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) na kasalukuyang naka-quarantine sa hotels at iba pang pasilidad. Target din nitong ma-swab ang halos 30,000 katao na COVID-19 suspects pati health workers na madalas ay exposed sa virus.

“We are fully committed to helping the Government in its drive to beat COVID-19. We completely agree with its whole of nation approach, where Government, the private sector and our citizenry unite to overcome this extraordinary crisis,“ saad ni Ayala Corporation Chairman at CEO Jaime Augusto Zobel de Ayala. “In particular, we support the IATF’s focus on rapidly ramping up testing and the country’s healthcare capacity, as we believe these are key to saving both lives and livelihoods during this pandemic.”

Patuloy naman ang suporta ng Ayala Group of Companies sa iba’t ibang proyekto ng gobiyerno sa iba pang lugar. Noong Abril, ilan sa Ayala companies (Ayala Land, Globe, Manila Water, IMI and AC Energy) ang nagkaisa upang tulungan ang ICCP, Manila Exhibition Center, the Bases Conversion Development Authority (“BCDA”), at gobiyerno sa pag-convert ng World Trade Center sa isang 500-bed quarantine facility na may ligtas, malinis, at kontroladong isolation cubicles.

“We are grateful to the Ayala group for partnering with us in this time of major crisis. We call on everyone to support TASK FORCE T3, because rapid and massive Testing, Tracing and Treating are the keys to defeating COVID-19. With our Bayanihan spirit, where the Government, the private sector and our people are united, we are confident that we can Heal as One,“ ani Vince Dizon, ang Deputy Chief Implementer ng COVID-19 response ng gobiyerno, at kasalukuyan ding CEO ng BCDA. Siya rin ay katulong ni Chief Implementer Carlito Galvez, Jr. sa pag-implement ng guidelines at protocols na inilabas ng IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases).

Swabbing Center in Palacio de Maynila.
Swabbing Center in Palacio de Maynila. Photo taken by KrizJohn Rosales of Philippine Star

Swabbing Center in Palacio de Maynila

Swabbing Booth Center in Palacio de Maynila